Food for the Soul

Prophecy

Friday, September 12, 2008

breaking the silence means revealing the remedy
the long been told tale will be unveil in this mail
for my brothers, i witnessed the rise of man
and how they surpassed the darkness that last

in the hour of chaos and undesirable manner
one stood up and fight for another
when man and his brothers shares this flame that is brighter
no one can ever bring down, the unity in one another


-Filipino, think and be different. Stand tall and be proud!

11/18

Ito ang araw na nagtagpo ang bituin at ang buhangin
Kasabay ng pagdampi ng hanging walang kasing lamig sa damdamin
Alin ba ang mas madami at lamang sa paningin?
Itinadhana ba nang langit na ang oras ay may taning?

Matamis ang mga ngiti, ito na ba ang langit?
Nagningning ang kalawakang tinatanaw sa bingit
Ang makuha ang loob mo ang siyang pinipilit
Sa kabila ng katotohanang sa buhangi'y may pasakit

Aaminin sa lahat na wala ng pag-asa
Ipinagkait ba ng diyos ang kalayaang sumaya?
Kalakip ng pagbulong, ang paghiyaw sa messiah
At sa bituin ay masabi ang tunay na nadarama

Bato

akala ko dati masarap to...sabi kasi ng kaibigan ko, pag nasubukan mo to, parang nasalangit ang pakiramdam mo. ang sarap! paulit ulit na bulalas nya. pati daw pag gumising ka kinabukasan parang lagi kang ginaganahan. sa simula mangangapa ka daw talaga, pero kapag tumagal na, alam mo na ang takbo ng lahat, pero di pa din mawawala paminsan minsan yung mga maling galaw mo at mga aberya. pero sa huli, maayos din naman ang lahat, at tuloy ang ligaya, heaven nanaman ika nga.

4th year highschool ako noong sinubukan ko ito. sa simula mahirap, pero pag nasaayos na ang lahat, tang ina, masarap nga! parang may kakaibang sensasyon sa katawan mo pag nasubukan mo toh. umaga palang, pero nanaginip ka na. naranasan ko noon habang isinasagawa ko ito na makakita ng mga lumilipad na lobo at mga gomang sapatos sa paligid. parang laging may nag papaputok sa kalangitan at automatic nagiging gabi ang umaga, ang sarap.. sobrang sarap...

buong akala ko lang pala yon... ang sarap, nauwi sa saklap.. napapadalas na ito, hanggang sa masira na ang pagkatao ko dahil dito. ang mga makukulay na paputok sa gitna ng gabi, naging naglalagablab na apoy ng walang hanggang impyerno. parang andaming matang nakamatyag sakin, ayoko ng ganito.sobrang sakit sa pakiramdam. ayoko nang ganito. parang unti-unti akong nahuhulog, at walang sasalo. ayoko ng ganito. pero huli na ang lahat. ang sarap, nauwi sa saklap.

ayoko nang maulit to... pero ginugusto pa din ng aking katawan... ginugusto pa din ng aking utak... ginugusto pa din,,,, ng aking puso....

Ang Mga Alaala sa Loob ng Isang Oras

sa mga oras na ito, hindi ko kakampi ang oras.....




noong 90's parang di ko napapansin ang oras. ang napapansin ko lang, yung suot ni cosaidon na orange na leather jacket at pantalon, saka yung pambukas ng lata ni magma man. gusto ko din yung pagsasanib nung isang lalaki at isang babae para maging si ultraman ace kasi magbabackflip pa dapat talaga sila eh pwede namang pagdikitin nalang nila yung daliri nila o kaya mag apir nalang sila.. tapos pag namumula na yung ilaw sa dibdib nya, ibig sabihin mahina na siya, pero mananalo pa din siya sa huli. masaya akong nakikitang nagmemeditate ang mask man habang suot lang nila ang kanilang pamloob. doon ako namulat na may boobs pala ang babae. masayang maalala ang mga oras kung saan naglalaro ka lang sa damuhan at nakikipag away sa mga kalaro mo dahil sa isang pirasong pog at text na kinokolekta mo sa isang kahon ng sapatos. masaya ang mga oras noon. ang oras na sana'y kinasasadlakan ko pa din ngayon...





sa mga oras na ito, hindi ko kakampi ang oras...





highschool ako noong nagkaroon ako ng first girlfriend, si carla. tahimik lang siya at mabait, kamukha niya ang favorite sexy star ko na si belinda bright! masaya ako pag kasama ko siya. halos duguan naman akong umuuwi kapag sinusumpong siya at may pinagseselosan. masaya pa din, dahil may bago na akong pustiso. masarap mag-aral pag may inspirasyon ka. parang araw-araw ay cloud nine! ang mga oras na kasama ko siya, ay ang unang beses na naramdaman kong marunong pala akong magmahal.




sa mga oras na ito, hindi ko kakampi ang oras...




araw nang linggo. ala-sais ng hapon... ito ang pinakamagulong oras ng buhay ko... habang tumatanda ka, nagiging kumplikado ka talaga bilang isang tao. ang mga bagay na hindi ko pinoproblema noong nagdudungis pa ako sa putikan, pinoproblema ko ngayong nakakurbata na ako't kumikita. wala na akong oras sa sarili ko. kapag nakahanap ng oras, beer ang kaharap kasama ang mga kaibigan. hanggang ganito nalang ba ang magagawa ko para sa sarili ko?





sa mga oras na ito, hindi ko kakampi ang oras...




tarantado yung nambastos na yun kay grace ah! hindi ko na napigilan, binato ko agad ng bote sa mukha. kasama si arthur at mac, pinagtulungan namin yung walang hiya. mabilis ang mga pangyayari, ang huling imaheng nairehistro ng mga mata kong nagdidilim ay ang 5 mukha na nakatungo sa akin...



sa mga oras na ito, hindi ko kakampi ang oras... "any minute", magiging isang tuwid na guhit ang berdeng ilaw na nasa tabi ng aking kinalalagyan... di ko ito gusto, pero, mukhang ito na ang oras ko...

Tag-Lagas

Tuesday, July 22, 2008

sinabi mo sa aking "habambuhay"
kasabay ng pagdidilig mo ng matatamis na halik
at ang pagsibol ng ating mga mabababaw na saloobin
dito mo pinakita sakin ang langit

sinabi mong "ikaw lamang"
sa bawat maiinit mong yakap
ang ating pagmamahala'y walang kapantay
halos... walang kapantay

di ko alam kung pano nawala
di ko napunang ika'y lumisan
naghihintay padin ako sa hardin
kung saan nalagas ang bubot ng pag-ibig

nagpasya akong maglakbay
hanapin ang nawala kong buhay
sa huli'y di ko inasahang,
sa kanlungan din, muli'y magkikita

sinabi mo noong "habambuhay"
sinabi mo noon, "ikaw lamang"
ang mga dahong nagsilbing saksi
sa ihip ng hangi'y kasabay na umalis

Isang Sandali sa Loob ng Pinagtagpi-tagping Bakal

Friday, July 18, 2008

ito ang mundo kung saan ang waluhan ay nagiging siyaman
dikitdikit na siko, halohalong pawis
pilit ang upo ng mga dalagita sa bandang dulo, sa likod ni manong
pumapasok ang usok na binubuga ng nanggigitatang tambutso
papasok sa lungga ng pinagtagpi-tagping bakal
papunta sa iyong ilong at sa malapit mo nang bumigay na baga

manong, bayad po, isang makaliko
ipapasa mo ang benteng tiniklop ng pahaba
dahan dahan, hanggang dumating sa kanlungan ng nanggigitata nyang kamay
susuklian ka ng dalawang bebenchingkong barya
tahimik mong babagtasin ang kalsadang walang lilikuan
habang pinapakinggan ang ingay ng makina ng pinagtagpi-tagping bakal

Change of Hearts

Sunday, July 6, 2008

eto ang ginawa mo sa akin...



kinuha mo ang ngiti sa aking mga labi at pinaltan mo ng mga mapapait na halik. ang dating maligaya kong mga mata ay napuno ng pagpapanggap, sa mundo di ko ninais galawan.

ninakaw mo ang dating sa akin, paano mo masasabing maganda ang buhay, na noon ay makulimlim at maulan. dinala mo ako sa binabaha mong mundo at tumira ka sa masaya kong paraiso.


ginawa mo akong ikaw, at kinuha mo ang pagkatao ko. tinitignan mo akong parang isang tupang walang pastol. samantalang ako ang pastol na nag-aruga at nag-alaga sayo.


pano mo ako nagagawang pagtawanan? matapos mong itapon ang nakaraang binago nating dalawa. ikaw ay naging ako, ako, ay naging ikaw.

masaya ka, malunkot ako

di na ako ang dating ako

naliligaw ako sa kalsadang iisa lang naman ang patutunguhan, patuloy na binabagtas ang daang di ko alam ang patutunguhan.

mag-isa...

sumasabay...

sa agos...

ng walang hanggang...

pagkalunod...



eto ang ginawa mo sa akin...