♣10-12-07♣
isang kapirasong karton
dito nakalagay ang iyong mga salita
mga letrang kumikiliti sa akin
nag-dadala ng kakaibang ngiti
isang mukhang di maipaliwanag
sa kaloobloooba'y galak at ligaya
di ko kailangan ang langit para lumigaya
kung sa aking pangarap, ika'y makakasama
lumangoy tayong magkasama
hindi tayo mapapagod, ang saya
kasabay ng pag-abot sa mga bulalakaw
mga bituing, dati'y nasa lagit lang
lalaki tayong magkasama
lubak ang daan, pero wala tayong pakialam
sabay tayong maglalakad
para hanapin ang ating sarili, ang ating pangarap
Food for the Soul
♣10-12-07♣
Tuesday, January 8, 2008
Posted by nevil loves derby at 11:26 PM
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment