Food for the Soul

Abutin Ang Mga Bituin

Tuesday, January 8, 2008

09/16/07

labas labas labas lang nang nararamdaman... hai, yeh, simba na ko,, hihingi ng tulong...


nalilito ang aking isipan
di malaman ang nadarama
ayoko nang mag-isip ng ano pa man
pero di ko maiwasan

tinignan ko ang iyong litrato
ang kahon na binigay mo
pangarap, dito nakatago
ang tamis ng pag-ibig mo

di ko maiwasang masaktan
ako'y naguguluhan
isa lang ang aking paniniwala
na kahit papano'y meron ka pang nadarama

ayoko nang mag-isip
titingin nalang ako sa langit
pipiliting abutin ang mga bituin
na balang araw ay aking makakapiling

para kang isang maningning na bituin,
na balang araw ay aking makakapiling.... muli....

0 comments: