Food for the Soul

Janus: Dalawang Mundo, Isang Tao

Tuesday, January 8, 2008

10/12/07

dahil tpos na ang film namin, ipopost ko na un script(un ba tawag dito?) ng Janus. panulat ni Neville Carbon at edits ni Charry Camantugue! yeh! experimental film siya. yahooo hehe.

Pagising ko, mag-isa na ako.

Masyadong tahimik, nakakabingi.

Iba na ang mundo nung nagising ako.

Parang may kulang, may kumukupas.

Yung kama ko, wala ng init.

Bakit mag-isa na lang ako?

'Tang inang kape, walang lasa!

Ayokong uminom mag-isa.

Ang lamig ng umaga.

Lahat na ginawa ko para mabawasan ang sakit.

Yosi, inom… Wala rin.

Yun pa rin ang tumatakbo sa isip ko.

Bakit mag-isa na lang ako?

Nasaan na yung dati?

Ambilis ng lahat.

Nakakagulat. Di ko pa rin maintindihan.

Bakit mag-isa na lang ako?

Ang sarap sanang tumakas. Gusto kong kumawala.

Pero pano ba?

Lulubog na naman ang araw.

Hanggang tanaw na lang ako.

Ang dami ko pa namang ipapakita dapat sa'yo.

Pero mag-isa na lang ako. Ang bagal ko kasi.

O baka nainip ka kaya iniwan mo na 'ko.

Realidad. Diyan ka na pala nakatira.

Enjoy ba?

Paano ako? Ayoko dun.

Ayokong sumama sa mga taong di marunong makuntento.

Pero pag-iisipan ko pa rin ang pupuntahan ko.

Magpapaiwan na lang ba ako dito sa binuo nating mundo?

O susundan ba kita?

Isa lang ang sigurado.

Iniwan mo ako sa mundong pinaghirapan ko.

Para sa'yo.

Janus

Dalawang mundo. Isang tao.


eto yung original:

nagising nalang ako isang umaga nang nag-iisa
tahimik ang lugar... nakakabingi ang katahimikan
kakaiba ang mundong ito sa paggising ko
tila may kulang... tila may kumukupas
hindi na kasing init ng nakaraan ang kutsong aking hinihigaan

pilit akong nagtatanong kung bakit
nagiisa nlng ako dito
walang lasa ang tsaang dumadampi sa aking labi,
tila may hielo, sa bawat paginom ko,,, malamig..
di ko gustong uminom magisa,, sa isang napakalamig na umaga

pilit akong gumagawa ng paraan para maibsan ang aking pangungulila
naghanap ako, gumawa ng maraming bagay, pero sa huli
isang bagay pa din ang tinatakbo ng isip ko
bakit ako naiwan magisa dito?
hinahanap ko ang mainit na haplos ng nakaraan...

maxadong mabilis ang mga pangyayari
maski ako'y nagulat. di ko maintindihan kng bakit
bakit mag-isa nalang ako dito
minsan naisip kong takasan ang mundong ito, takasan din ang realidad
ngunit paano, masosolusyunan ba ito ng gagawin ko?

inabot na ako ng pagiyak ng araw
nakatanaw sa dagat, nanghihinayang
ipapakita ko pa sana sayo ang mga bagay na ito..
mag-isa akong nakatanaw, mag-isa... masyado kasi akong mabagal
o sadyang naglakad ka lamang ng mabilis, kaya't di kita naabutan...

nalaman kong nasa realidad k na daw
masaya,, at nakikihalubilo sa iba
di ko alam ang gagawin ko, takot akong pumasok sa mundo ng mga tao
mga taong hindi nakukuntento,,
mamimili ako sa dalawang landas...
maiiwan ba ako sa mundong magkasama nating binuo?
o papasok ako sa pinto, na puno nang kasinungalingan, sakit, at kaguluhan....

isa lang ang alam ko. naiwan akong mag-isa, sa mundong para sana sayo...

0 comments: