09/16/07
impluwenxa toh ni lourd "the master" de veyra... magaling xang makata.. kaya ggwa dn ako ng akin, pasenxa sa chorus, un simula lang un original, tpos ninakaw ko n sa maging sino k man un 2nd at 3rd stanza haha...
labing dalawang buwan
ikalabing dalawang araw
tila tinadhana
bagay-na-bagay
sa kahon nakalagay ang kwintas ng pagsasama
ang palad mo
ang mga cards ng komunikasyon
ang insenso ng pangarap
ang pantalon ng pag-asa
ang ebak ng kalokohan
ang alpiler ng pagibig
ang resibo ng resto
ang kahon ng pagpapahalaga
ang puting telang nagpapakilig sa ating damdamin
ang asong kaibigan ni tao
ang bote,, ang bote n naglalaman ng iyong pagkatao
Chorus
minamahal kita.. minamahal kita
iniisip nila ay hindi mahalaga
mahal kita maging sino ka man
tuwang tuwa ako ngayong hulyo
nag-away tayo, pero sinulatan mo ko
at inihalintulad ang nararamdaman mo sa parte ng iyong katawan
magpapagaling ako ngayong hunyo
dahil sinulatan mo ako
maligaya ang mayo
nagkasama tayo at pumunta sa kalawakan
magbabasa ako ng libro
dahil binigyan mo ako
mag susuot n ako ng pink
dahil bagay sabi mo
masaya ang abril, marso, pebrero at enero
masaya, masaya,, tayo na't magdansing dansing sa ibabaw ng mga planeta
Chorus
minamahal kita.. minamahal kita
iniisip nila ay hindi mahalaga
mahal kita maging sino ka man
tara magdansing dansing sa ibabaw ng mga planeta
mahal kita maging sino ka man....
Food for the Soul
Labing Dalawa
Tuesday, January 8, 2008
Posted by nevil loves derby at 11:12 PM
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment