11/16/07
walang kamalay malay
si nicolas ay napilay
di malaman kung paano
di alam ang dahilan
si nicolas, oo si nicolas
yung batang kalyeng namumulot ng pipa
kalsada ang kanyang tirahan
sa kalsada siya, natauhan
bibo na kung bibo
ngunit wala namang pang-enrol
napulot sya ni canor
balat kayo ang tinubos
dinala nya sa eskinita
unti-unti nyang hinubaran
hubot-hubad ang bata
nakatiwang-wang na parang baka
sa lihim nababalot ang sakit
bawat pagtatangkang balatan, namimilipit
lalong humahapdi
si nicolas na walang damit, kahit mukha'y sa kanya'y pinagkait
ito ang mundo ni nicolas
ang lansangang puno ng dalita
musmos na nga lang' naturingan
walang awa pang ninakawan
Food for the Soul
Lihim ang Pagsigaw ni Nicolas
Tuesday, January 8, 2008
Posted by nevil loves derby at 11:34 PM
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment