Food for the Soul

Song Number Twelve

Tuesday, January 8, 2008

01/01/08

compo mode again hehe, siguro gamitin din namin toh sa short film namin, pero i made this song talaga for my beloved cathy =].. sana lang marecord namin hehe

i remember the day when we went day hiking sa talamitam, tapos ayon ginawan ko ng story and symbolisms yung pagpasan ko sa kanya, =]. i hope she'll like this, pero sana wag nya muna mabasa tong blog ko na toh, kasi ireregalo ko toh sa kanya sa 2nd anniversary
namin..=]

well ang kantang ito ay para sa lahat ng nagmamahal.. and dedicated to sa cathy ko hehe, sana makarelate din kayong lahat hehe yeh! =]

Song Number Twelve
/01/01/08
minsan, sa atin may dumadating
mga pasakit at pait na nagdudulot ng sakit
oh heto, heto tayo't lugmok
naghihintay kalinga, maibibigay sakin...

sumama ka sa akin at
hindi kita, hahayaan sa dilim

ngayong gabi sa akin 'kay kumapit
lumayo sa mundong puno ng galit at sakit
halika't pumasan ka, pumasan ka sa akin
ilalayo kita, sa mundong hindi para sa atin

oh ngayong gabi ako sayo'y maglalambing
tatanaw sa bitwin at hahanapin ang sarili
dito, dito ko ipagtatapat sayo
na sayo ko sinusuko ang aking puso

sumama ka sa akin at
hindi kita, hahayaan sa dilim

ngayong gabi sa akin 'kay kumapit
lumayo sa mundong puno ng galit at sakit
halika't pumasan ka, pumasan ka sa akin
ilalayo kita, sa mundong...

adlib

... sa mundo(sa mundong walang pag-ibig)
pag-ibig!!

ngayong gabi sa akin 'kay kumapit
lumayo sa mundong puno ng galit at sakit
halika't pumasan ka, pumasan ka sa akin
ipapasan kita!! ipapasan kita!!

1 comments:

Chax said...

Yun naman.
Ganda ah.
Iba ka talaga Nerdelboi!