di ko alam pero 24 hours nang tumatakbo ang
kantang "ikaw lang ang aking mahal" sa utak ko
ngayon,, pinapakinggan ko ulit toh..
nilagay ko din xa sa fon ko para mapakinggan ko sa byahe, at bago matulog, at habang jumejerbs, at naliligo, at kumakain
anong meron sa VST?
parang gusto ko na nga din i-jam eh
cguro dahil bc ako ngayon
laging sumasakit ang ulo ko
at matagal na akong di nakakagawa ng tula, na gagawin kong kanta balang araw..
pero bakit nga ba balang araw ang filipino sa someday?
bakit hindi ilang araw?
bat ang sunday hindi araw-araw?
bakit ang day, araw, ang sun araw pa din?
bakit humahataw ang piso pero mahal pa din ang bilihin?
baki madaming hungry beggars ang EDSA?
bakit nagmamahal ang tao?
at bakit nagmumura tayo pag naaapakan ang "INGROWN" natin?
hindi ba pwedeng nagmamahal at nagmumura?
"PUTANG INA MAHAL KITA"
bakit ang layo ng sinasabi ko sa title ng blog ko?
bakit matagal na akong hindi nagsusulat ng tula?
ano bang gusto kong iparating sa blog na toh?
ano bang gusto kong iparating sa pagsusulat ng tula?
ano ba ang saysay nang pakikinig ko sa makalumang tugtugin
ng VST and Company?
ikaw lang ang aking mahal
pag ibig na walang hangganan
ang aking tunay na nararamdaman
pano kaya nasabi ni vic yun?
eh andami nga nyang babae...
strange...
gusto ko ng kape..
habang nakahiga't nakikinig sa saliw ng tugtuging hindi ko alam kung totoo ba o drawing lang
pero maganda...
Food for the Soul
VST All Over Again and Again and Again and Again and Again, Paulit-ulit...
Thursday, January 24, 2008
Posted by nevil loves derby at 10:27 PM
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment