WARNING, the contents, stunts, and giniling na bituka you're about to see are done and eaten by professionals...
ang tao, pasaway...
isang walang kwentang gabi, malamig at madilim. nakaharap nanaman ako sa harapan ng aking desktop.. nagtxt si chiklet na may problema dw xa, mag-inom daw kami...
pumunta siya sa bahay ng mga 8pm.. di magandang gabi yun... isang gabing binasura.. isang gabi ng panandaliang pagpapakawala sa mga naipong alab... ilang minuto ng poot, habang buhay na pagkalunkot... isang kahapong di mo pwedeng lingunin, dahil wala ka nang matatanaw pa...
nagsimula kaming uminom ng 12... sinabi na nya sakin ang kanyang problema... sabi ko, di nmn problema yun.. dahil ang problema talaga ay kung paano niya ibabalik ang sarili nya sa dati at kung paano siya makakawala sa mahigpit na pagkakagapos sa nakaraang dati'y nagbigay ng bahid sa kanyang kaluluwa...
mahirap bumitaw sa kahapon. mahirap umusad. sa panahong kasama mo ang taong akala mo'y aakap sayo, napaniwala ka, kaya ika'y dumepende sa sinasabing "pag-ibig". matapos ka nyang baguhin sa pagkataong hindi naman talaga sa iyo. at sa paglisa'y iiwan kang lugmok sa isang tabi... na di na kilala nag iyong sarili...
bakit nga ba nasasabi nilang "bitter ang isang tao". anong masama sa bitter?
iba pa yung sinasabi nilang "bitter" na mababaw, sa "bitter" na malalim...
di nila naiintindiha, kung bakit gnon ang kinikilos ng taong bitter. sino ba ang tutulong sa isang taong nasaktan, kundi ang sarili nya. kung may ginagawa man silang "kabitter-bitter" sa paningin ng iba, ito'y dahil hindi sila naiintindihan ng mga ito.. ang gusto lang nila ay makalimot, makausad mula sa kahapong minarkahan ng hagupit ng latigo...
pano ba nagiging "bitter ang isang tao" (simula ngayon ay gamitin natin ang "taong gustong makamove on o TGMO)
una: nasaktan siya sa pangyayari, at ang kanyang partner ay kung hindi may lahing manhid ay may lahing inconsiderate. kaya gagawa siya ng sariling paraan para hindi na lalong madagdagan ang sakit na nararamdaman nya dahil sa mga nakikitang bagay na gustong gustong ipakita oh ewan ko ba kung may lahing exhibitionist na x nya...
pangalawa: mahal pa niya ang isang tao ngunit di na sya mahal nito at may iba na itong gusto. kaya TGMO na siya...
ang TGMO ay hindi mga bitter na tao... kasalanan ba nila kung yung mga paraan lang na yun yung bagay na nakakatulong sa kanila para maka usad? kasalanan ba nila kung nasaktan sila? at kasalanan ba nila kung ang mga partner nila ay mga "mother father beach"(hehe aylabdis)
"di ka masamang tao" ... sabi ko sa kanya... "nasaktan ka lang... ang pinakamaganda mong gawin, burahin mo muna siya sa ngayon sa buhay mo. ibalik mo nlng siya kapag di ka na naaapektuhan... pag naibalik mo na ang sarili mo sa dati..."
"kung gusto mong magpakasaya, at ipakikta sakin lahat ng yon, hayaan mo naman akong sumaya, ng wala ka.... ng wala ka sa buhay ko..." di bitter, TGMO lang.....
sa bawat pag hihit ng usok mula sa sigarilyo, ay ang pag-punta ng diwa sa mundo ng walang hanggang kasiyahan... di mo ako naiintindihan... parang isang usok na makapal, ngunit walang laman... matalim ang iyong dila, bulok nmn ang iyong kaluluwa...
ang tao, pasaway...
sinabi ko nang bawal basahin toh eh....
Food for the Soul
Bawal Basahin
Monday, June 2, 2008
Posted by nevil loves derby at 12:19 AM
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment