Food for the Soul

Ketch-Up

Wednesday, June 18, 2008

composition namin ni chai super combined forces yeh!

the song is about a guy who likes this girl na nung simula ay dinedeadma yung guy. nung nagsawa na yung guy at napagod na, saka naman narealize nung babae na mahal na nya yung guy... parang isang catsup na bagong bukas, na anghirap itaktak at ilabas, parang todo todo taktak ka para lang makuha un matamis na mapula nyang laman.. tapos bigla nalang bubulusok palabas na sobrang daming catsup, eh di mo naman pala kailangan lahat.. gets?


Ketch-Up
6/01/08


kanina pa kita tinataob
di ka pa din nahuhulog
wala na ba akong
matataktak sayo?

nauubusan ng lakas
nangangalay kakapilit sayo sinta

kung kailan ayoko na
saka ka bumulusok palabas

chorus:
paano na ngayong
ayoko nang maulit pa
matikman muli ang tamis
ng halik mula sa mapula mong labi
paano na ngayong
ikaw na ang umiibig
(ikaw na ang umiibig)
ikaw na ang umiibig
ikaw na ang pumipilit

(ulul)

kahapon pa kita tinataktak
nastranded ka sa dulo
wala na ba akong
pag-asa pa sa matamis mong "oo"


naghintay hanggang wakas
nung wala na saka ka dumulas

paano na ngayong
ayoko nang mabuksan pa
ang puso ko para ika'y makapiling
please, takpan na natin
paano na ngayong
ikaw na ang umiibig
(ikaw na ang umiibig)
ikaw na ang umiibig
ikaw na ang pumipilit

(patay)

"ketch-up"(catch up)

0 comments: