Food for the Soul

Bato

Friday, September 12, 2008

akala ko dati masarap to...sabi kasi ng kaibigan ko, pag nasubukan mo to, parang nasalangit ang pakiramdam mo. ang sarap! paulit ulit na bulalas nya. pati daw pag gumising ka kinabukasan parang lagi kang ginaganahan. sa simula mangangapa ka daw talaga, pero kapag tumagal na, alam mo na ang takbo ng lahat, pero di pa din mawawala paminsan minsan yung mga maling galaw mo at mga aberya. pero sa huli, maayos din naman ang lahat, at tuloy ang ligaya, heaven nanaman ika nga.

4th year highschool ako noong sinubukan ko ito. sa simula mahirap, pero pag nasaayos na ang lahat, tang ina, masarap nga! parang may kakaibang sensasyon sa katawan mo pag nasubukan mo toh. umaga palang, pero nanaginip ka na. naranasan ko noon habang isinasagawa ko ito na makakita ng mga lumilipad na lobo at mga gomang sapatos sa paligid. parang laging may nag papaputok sa kalangitan at automatic nagiging gabi ang umaga, ang sarap.. sobrang sarap...

buong akala ko lang pala yon... ang sarap, nauwi sa saklap.. napapadalas na ito, hanggang sa masira na ang pagkatao ko dahil dito. ang mga makukulay na paputok sa gitna ng gabi, naging naglalagablab na apoy ng walang hanggang impyerno. parang andaming matang nakamatyag sakin, ayoko ng ganito.sobrang sakit sa pakiramdam. ayoko nang ganito. parang unti-unti akong nahuhulog, at walang sasalo. ayoko ng ganito. pero huli na ang lahat. ang sarap, nauwi sa saklap.

ayoko nang maulit to... pero ginugusto pa din ng aking katawan... ginugusto pa din ng aking utak... ginugusto pa din,,,, ng aking puso....

0 comments: