"man is condemned to be free"
-confucius
ayon sa isang philosopher..
malaya kang umiyak, hanggang sa wala ka nang mailuha...
malaya kang sabihin ang gusto mong sabihin hanggang sa mapaos ka na...
malaya kang lumaban, hanggang sa maging manhid na ang katawan mo...
higit sa lahat, malaya kang umibig...
hanggang sa masaktan ka...
hanggang sa makalimutan mo na ang iyong sarili...
parang usok...
parang halimuyak...
parang ningas...
-chopsuey(catherine o. camarillo/romualdo avellanosa)
Food for the Soul
Life and Love
Posted by nevil loves derby at 11:48 AM 0 comments
Nasaan si Mighty Kid?
one week nalang ang nalalabing panahon na ilalagi ko sa bacolod. biglaan kasi talaga ang aking pag-uwi dahil kinontact ako ng bestfriend ko.
bestfriend: Uwi ka na i miss you huhu mwah mwah
ako: ano ka ba? you're so gay ewww
bestfriend: tutugtog tayo!
ako: san?
bestfriend: sa debut!
ako (with matching tantalizing eyes) SA DEBUUUT?(wowowee girls style)
bestfriend: oo, may bayad, MALAKING PEEERAAA
dahil hindi naman ako gahaman, ay nagpasya akong umuwi. sabi ko nga sa pinsan ko; "with great power comes great responsibility"....
mali ata....
ulit...
"gusto ko dito(sa bacolod) pero gusto ko din tumugtog"
sabi naman nya sakin;
"punyeta ka!"...
at yun na ang naging huling pagkikita namin ng mahal kong pinsan. how sweet...
syempre bago ako umalis sa bahay nila(doon kasi ako tumira sa kanila ng 1 week) ay nagpasya kaming pumunta sa mambukal at magpicnic. as usual, may inuman. monday kabasagan.
tuesday, nasa bahay na ulit ako na original na tinutuluyan ko. ang sarap, dahil wala yung lola ko, ako lang sa kwarto (isipin nyo yun 2 weeks na kami ng lola ko magkasama sa room). di naman sa ayaw ko kasama ang lola ko. 80 plus na sya, pero malakas pa din ang pangangatawan. model pa sya ng bachus, avon at isang lokal na punerarya sa di kalayuang baranggay. sobrang hilig ng lola kong magkwento. siya din nang nag-aayos ng mga apointments ko. kung san ako pupunta, sino ang aking kasama, kung kailan ako makikipagkita sa tito ko, sa iba kong pinsan at sa mayor nilang bak... bakasyunista.. kung anong oras dapat ako mag-iinhale at mageexhale gamit ang aking pwet. kung kailan ko tatawagan si gloria para sabihin na ayusin nya ang trabaho nya, at kung kailan kami maglalakad sa rolling hills na animo'y park(pero hindi, pramis hindi talaga!).
nagtext ang tito butch ko kay tito ruben, sabi pumunta daw ako sa weesam(isang seaport). gusto daw ako makita ni kid. di k naman sila binigo at nagpunta ako agad, gamit ang aking unbelievable web swing! dumating ako sa weesam sa karurukan ng init ng araw, pagpasok ko sa opisina ay agad ako binati ng aking tita, at ng iba ko pang tita na di ko na tuloy malaman kung which is which at sino ang asawa ng kung sino kong tito, basta nakangiti ako sa kanila at sumasagot ng "yes".
tita 1: noooynoooy, nabudlayan ka mag-ilonggo?(nahihirapan ka mag ilonggo?)
ako: yes =D
tita 2: noooy, puli ka na pa-cavite? (uuwi ka na sa cavite)
ako: yes =D
tita 1: noooynooooy, nalupot ka na?(noynoy nag-da-diarrhea ka?)
ako: yes =D
tita 2: mamuson ka to? (gusto mo tumae?)
ako: yes =D
maya maya pa ay pumasok na ang isang binatilyo... kamukha ko sya, pero mas maputi sya sakin, mas gwapo naman ako. siya si MIGHTY KID (insert lightning effects here) sa wakas, nakita ko din ang pinsan kong lalaki, puro babae ko kasing pinsan ang kasama ko. nakasama ko na si manong kent, kaso ay may asawa na siya at mga anak, in short, generaton gap. si kid ay 22 palang, halos kaidad ko lamang. sinasabi din ng mga tito ko na kung magkikita kami ay tiyak na magkakasundo kami dahil pareho daw kami ng interes.
marahil ay nagtataka kayo kung bakit mighty kid ang kanyang pangalan, eto ang istorya:
noong unang panahon may pinanganak na isang bata:
bata: uhaaaaaaa,uhaaaaaa
doctor: congratulations its a boy!
ina: haaay,, salamat,, haaay...
nurse: doc tignan nyo yung bata...
doctor: hmm (inilapit ng bahagya ang mukha sa bata)
sa di malamang pangyayari ay biglang tumalsik ang doctor at nabitawan ang sanggol
tugissshh!!!! kraaaaanggggg klaaanngg(kalansing ng mga nalaglag na gamit)
mabuti nalamang at nasalo siya ng nurse
nurse: aba, napakalakas ng batang ito, simula ngayon, siya na si MIGHTY KID!!! ANG TAGA SAPAK NG MGA DOCTOR!!!!
ayun na nga, mighty kid ang pangalan nya. at kathang isip lang ang mga sinabi ko, sa araw na yun, dinala ako ni kid sa lasalle bacolod, nandun daw ang kanyang mga kaibigan.
iniimagine ko pa noon, mga babe, tpos mga lalaki na tama lamang ang pangangatawan. laking gulat ko na habang umiinom ako ng strawberry shake ay biglang dumating ang 2 niyang naglalakihang kaibigan. muntik ko pang mabugahan sa mukha yung isa. anglaki nila! imaginin nyo yung kontrabida sa mga pelikula na kulot na mahaba yung buhok, yung laging binubugbog ni FPJ, yun! ganong ganon! grabe, katakot, kulang nalang ng isang army knife at m16, tpos isang leather na headband, ready to rambol na!
matagal din kaming nagkasama ng mga kaibigan nya. nag-inuman nanaman(kung naaalala nyo, uminom na ako nung lunes) kami sa tabi ng lasalle. ayos naman sila kasama, mababait sila sa totoo lang, wala sa itsura talaga nila. pero may isa din namang kaibigan yung si kid na di din naman nalalayo sa amin ang itsura(what?). habang tumatagal ay nalalaman ko na magkatulad nga kami ni kid, sa pamilya, sa buhay buhay, at pareho kaming artist. isa lang ang di ko makakalimutan sa gabing iyon, sa lahat ng aming pinag usapan; "artist tayo eh, iba yung paraan natin ng pamumuhay. maaaring di tayo maintindihan ng iba, pero bakit tayo magpapaapekto sa kanila? tao din tayo, nga lang, hindi lang tayo nagstistick sa isang idea na isa lang ang daan. we tend to explore different roads, pero at the end, tamang daan pa din yung gusto nating tahakin. weird tayo, ano naman? may pangarap tayo na di natin isusuko dahil sa pagiging praktikal at dahil na din sa bulok na sistema. hanggat maaari, magagawa pa din natin yung sining natin. hahanp at hahanap tayo ng paraan."
lahat kaming nagiinuman nung gabi na yon, mga artist. nakakatuwa. sabi nila, bumalik daw ako next year. sabi ko, sure...
CC<
Posted by nevil loves derby at 7:17 PM 0 comments
Revision
nagising akong nag-uumapaw ang creative juices sa utak ko... di ako nag-aksaya ng panahon...
Revision
05/01/08
so what's the worst in life and revision
how can i regain all the vision
spread the words, spread the mission
to renounce the legions and dictons
now, two worlds now apart
risking the heart and risking my part
remembering the past is not a crime
crying doesn't make you a swine
doesn't make you a swine
let's drink wine and start to revise
so start to write the virtues, write all the letters
i don't wanna hear you say never
the hostility is gone forever
a december to dismember
now, two worlds now apart
risking the heart and risking my part
remembering the past is not a crime
crying doesn't make you a swine
doesn't make you a swine
let's drink wine and start to revise
(cry it out,start to make it out)
start to revise
(cry it out,start to make it out)
to revise
(cry it out,start to make it out)
revise...
(cry it out,start to make it out)
start to revise...
Posted by nevil loves derby at 6:34 PM 0 comments
Quatable Quotes
it's not that bad to be sad and mourn if it's what you feel. showing what you feel is better than to hide in all those lies. you should experience how to suffer, and know when to stand up and continue fighting...
showing that you are weak doesn't mean that you are not strong. for being able to accept weakness is the real strength within...
Posted by nevil loves derby at 6:34 PM 0 comments